| Term | Definition |
|---|---|
KAHULUGAN NG PAGKONSUMO | |
Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng | |
buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot, | |
bitamina, lampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo. | |
Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang | |
pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan | |
mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming | |
pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon | |
nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of | |
the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo | |
ng mga tao. | |
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo | |
May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang | |
pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang | |
paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga | |
salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. | |
Pagbabago ng Presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang | |
presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas | |
ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo | |
kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto | |
o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman | |
ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito. | |
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa | |
aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong | |
ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng | |
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan | |
mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa | |
pagkonsumo. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at | |
teksto na masagot kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga karapatan at | |
magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa isang matatag | |
na ekonomiya. | |
PAUNLARIN | |
63 | |
Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John | |
Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General | |
Theory of Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang | |
kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki | |
ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga | |
produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng | |
pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas maraming | |
pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may | |
mababang kita lamang. | |
Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay | |
nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao | |
na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang | |
pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan | |
sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o | |
may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na huwag | |
munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan | |
ang mangyayari sa mga susunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda | |
naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang | |
pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap | |
ng bonus at iba pang insentibo. | |
Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, | |
maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay | |
magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang | |
kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang | |
kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang. | |
Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga | |
anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social | |
media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t | |
ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. | |
Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may mababang | |
pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang. | |
Ang Matalinong Mamimili | |
Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng | |
mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto | |
at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil | |
mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit hindi | |
mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng pansin ang kapakinabangan at kasiyahang | |
nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo? Anuman ang iyong dahilan sa | |
pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang ang value for | |
money. Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na kaalaman | |
upang maging matalino sa pamimili. | |
64 | |
Mga Pamantayan sa Pamimili | |
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit | |
natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod | |
ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili: | |
1. Mapanuri | |
Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, | |
timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang | |
mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang | |
produktong sulit sa ibabayad. | |
2. May Alternatibo o Pamalit | |
May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang | |
produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong | |
dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong | |
humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang | |
tinutugunan ng produktong dating binibili. | |
3. Hindi Nagpapadaya | |
May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero | |
o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging | |
handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at | |
paggamit ng timbangan. | |
4. Makatwiran | |
Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong | |
badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at | |
kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng | |
produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran | |
ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho | |
lamang. | |
5. Sumusunod sa Badyet | |
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. | |
Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya | |
nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak | |
na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan. | |
65 | |
6. Hindi Nagpapanic-buying | |
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto | |
(hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala | |
ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo | |
lamang magpapalala ng sitwasyon. | |
7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo | |
Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago | |
sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang | |
tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit. | |
Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili | |
Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang | |
kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes | |
ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng | |
lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin | |
sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang | |
binibigyang-pansin ng batas na ito: | |
a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan | |
at kaligtasan. | |
b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may | |
kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya. | |
c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili. | |
d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas | |
at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan. | |
WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI | |
Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) | |
ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang | |
transaksiyon sa pamilihan. | |
1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan | |
May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, | |
pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. | |
66 | |
2. Karapatan sa Kaligtasan | |
May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka | |
laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong | |
kalusugan. | |
3. Karapatan sa Patalastasan | |
May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at | |
mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat | |
na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang | |
pagsasamantala ng iba. | |
4. Karapatang Pumili | |
May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang | |
kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na | |
magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila. | |
5. Karapatang Dinggin | |
May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang | |
isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng | |
pamahalaan. | |
6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan | |
May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na | |
nagbuhat sa produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano | |
mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o | |
ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. | |
Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman | |
o nang pag-aayos sa paghahabol. | |
7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili | |
May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa | |
iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na | |
kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong | |
pangmamimili. | |
8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran | |
May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga | |
kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na | |
pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin | |
ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi. | |
67 | |
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI | |
Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang | |
pananagutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang | |
binabanggit: | |
1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa | |
kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating | |
ginagamit. | |
2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak | |
sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, | |
patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal. | |
3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga | |
ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalonglalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, | |
pambansa, o pandaigdig na komunidad. | |
4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating | |
kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin | |
ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan. | |
5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon | |
ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan. | |
KAHULUGAN NG PRODUKSIYON | |
Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng tao. | |
Minsan kailangan pang idaan sa proseso ang isang bagay upang maging higit na | |
mapakinabangan. Halimbawa, ang kahoy o troso ay maaaring gamiting panggatong | |
upang mapakinabangan. Ngunit, maaari din itong gamitin upang makabuo ng mesa. | |
Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng | |
pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output. | |
Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Sa | |
atin halimbawa, ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input ay ang mga bagay | |
na kinailangan upang mabuo ang produkto. Ang mga input na kahoy, makinarya, | |
kagamitan, at manggagawa na ginamit sa pagbubuo ng produktong mesa o silya ay | |
mga salik ng produksiyon. | |
Mga Salik ng Produksiyon | |
Nagiging posible ang produksiyon sa pagsasama-sama ng mga salik (factors of | |
production) tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreurship. Suriin ang kahalagahan | |
ng sumusunod na salik at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. | |
Lupa bilang Salik ng Produksyon | |
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga | |
magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa | |
ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. | |
Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o | |
takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki | |
man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong | |
paggamit. | |
kapital | |
Produksiyon | |
lupa paggawa | |
entrepreneurship | |
77 | |
Paggawa bilang Salik ng Produksiyon | |
Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na | |
kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales | |
sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa | |
kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ang lakaspaggawa: ang mga manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag | |
na may white-collar job. Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental | |
ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito ay | |
ang mga doktor, abogado, inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white collar ay unang | |
ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919. | |
Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may | |
kakayahang pisikal o silang mga tinaguriang may blue collar job. Mas ginagamit | |
naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito ang mga | |
karpintero, drayber, magsasaka, at iba pa. Sahod o suweldo ang tawag sa pakinabang | |
ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod. Ang mga manggagawa ay may | |
malaking ginagampanan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay sapagkat ang | |
kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating pangangailangan. | |
Kapital bilang Salik ng Produksiyon | |
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas | |
magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin | |
ang mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa | |
paglikha ng panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari | |
ding iugnay sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang | |
mga sasakyan. | |
Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende | |
sa lupa at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat | |
na “The Contribution of Capital to Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa | |
mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, | |
nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan | |
ang pagsulong. Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon ay | |
tinatawag na interes. | |
Entrepreneurship bilang Salik ng Produksiyon | |
Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang entrepreneurship. Ito ay | |
tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. | |
Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang | |
makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at | |
nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon. | |
Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon | |
at handa sa pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 | |
78 | |
siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na | |
ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at | |
serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. | |
Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong | |
pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang | |
sumusunod ay ilan sa mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay | |
na entrepreneur: | |
1. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo. | |
2. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan. | |
3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng | |
negosyo. | |
Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng | |
entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing | |
hindi nakatitiyak ang entrepreneur sa kaniyang tubo dahil hindi pa niya alam ang | |
kahihinatnan ng kaniyang pagnenegosyo. | |
Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang | |
produksiyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na | |
lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan | |
sa prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot | |
ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan. | |
MGA ORGANISASYON NG NEGOSYO | |
Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may | |
layuning kumita o tumubo. May apat na pangkalahatang uri ng organisasyon ng | |
negosyo. Ang mga ito ay ang (1) sole proprietorship, (2) partnership, at (3) corporation | |
(4) cooperative. | |
Sole Proprietorship | |
Ang sole proprietorship ay negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang | |
tao. Ang nagmamay-ari ay tinatawag na sole proprietor o sole trader. Siya ang may | |
kabuuang kapangyarihan at responsibilidad sa negosyo. Pag-aari niya ang lahat ng | |
mga bagay na nauukol sa negosyo at lahat ng kapital ay nagmumula sa kaniya. Siya | |
ang nakikipagsapalaran at humaharap sa lahat ng pagsubok o hamon. Ang lahat ng | |
kita at pagkalugi ay tanging sa kaniya lamang. Siya ang nangangasiwa sa lahat ng | |
gawain na ang layunin ay kumita. Wala o mas kaunti ang mga nauukol na mahihigpit | |
na usaping legal sa mga ganitong uri ng organisasyon. | |
Ang kakayahan ng maliliit na negosyo na umuunlad ay nakadepende sa | |
kakayahan ng sole proprietor. Kung mangangailangan siya ng maraming pondo, | |
maaaring kumuha siya ng karagdagang pondo mula sa kaibigan, bangko, o kita ng | |
negosyo. Bilang kabahagi sa pagsulong ng ekonomiya, naging papel ng sole proprietor | |
ang magbigay ng hanapbuhay sa mga mamamayan sa pamamagitan ng maliliit na | |
negosyo na matatagpuan sa mga pamayanan. | |
Partnership | |
Ang partnership ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang | |
indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi | |
sa pagtatayo ng isang negosyo. Ang mga kasapi ng isang partnership ay tinatawag | |
na partners. Ang mga kasapi ng ganitong uri ng samahan ay maaaring tawaging | |
general partners o limited partners. Sa unang uri, ang mga partner ay pantay-pantay | |
na pinangangasiwaan ang isang negosyo samantalang ang mga kasapi ay mayroon | |
ding pantay-pantay na pananagutan sa mga maaaring maging pagkakautang at | |
pagkalugi. Samantala, sa ikalawang uri, ang mga partner ay maaaring mamuhunan | |
subalit wala silang tuwirang pakikilahok sa pangangasiwa. Maging sa puhunan, ang | |
tanging pananagutan ng limited partners ay nakatuon lamang sa halaga na kanilang | |
ibinigay na puhunan sa negosyo. | |
Corporation | |
Corporation o korporasyon ang pinakamasalimuot na organisasyon ng | |
negosyo. Kadalasan, ito ang may pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari. Ito | |
rin ay may mga legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga taong nagmamayari, kumokontrol, at nagpapatakbo ng korporasyon. Ang korporasyon ay maaaring | |
88 | |
bumili at magbenta ng mga ari-arian, pumasok sa mga kontrata, magsampa ng kaso, | |
at nararapat na magbayad ng buwis. Katangian din nito ang limitadong pananagutan | |
ng mga may-ari at ang pagbibigay ng mga bahagi o shares sa anyo ng mga stocks, at | |
ang pananatili nito ay isang mahalagang bagay. | |
Ang proseso ng pagiging isang korporasyon ay tinatawag na incorporation. Ito | |
ay nagbibigay sa kompanya ng katayuang legal na hiwalay sa mga nagmamay-ari. | |
Dahil dito, nabibigyang proteksiyon ang mga nagmamay-ari mula sa mga pananagutan, | |
halimbawang ang kompanya ay mahabla. Ang kondisyong ito ay tinatawag na | |
limitadong pananagutan (limited liability).Sa pamamagitan ng incorporation, ang mga | |
may-ari ng korporasyon ay walang pananagutan sa utang ng kompanya. Kung ang | |
kompanya ay malugi, ang tanging mawawala sa may-ari ay ang salapi na kanilang | |
pinuhunan bilang common stock. | |
Cooperative | |
Mayroon pang ibang uri ng samahan ng negosyante. Ito ang kooperatiba | |
na binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro na | |
kabahagi sa puhunan at tubo. Pangunahing layunin ng kooperatiba ang makapagbili | |
o makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang | |
halaga. | |
Sa isang kooperatiba, kabahagi ang mga kasapi sa pagtatatag at pamamalakad | |
ng samahan kaya interesado silang magtulong-tulong sa ikatatagumpay ng kanilang | |
samahan. Nagaganyak din silang magtipon ng karagdagang puhunan sa pagnanais | |
na lumago ang negosyo. Higit sa lahat, hinahati-hati ng pantay ang kapakinabangan | |
ng samahan. | |
Sa kabilang dako, maliit ang tubong natatanggap ng mga kasapi sa sapingpuhunang ipinasok sa kooperatiba dahil na rin sa hindi pangunahing layunin nito ang | |
magkaroon ng malaking tubo. Gayundin, kulang sa kapital ang isang kooperatiba. | |
Maliit lamang ang saping puhunan na inilalagay rito kung ihahambing sa isang | |
korporasyon. | |
Alamin muna natin kung ano ang | |
elasticity sa Ekonomiks: | |
• Tumutukoy ito sa reaksiyon ng isang | |
bagay sa nailapat na puwersa | |
• Ang elasticity sa ekonomiks ay ang | |
reaksiyon ng piling mga variable na | |
ekonomiko sa impluwensiya ng ilang | |
kaganapan sa ekonomiya. | |
Isa sa mga paksa ng pag-aaral ni | |
Alfred Marshall ay ang elasticity ng | |
demand. Dito, dalawa ang kanyang | |
tuon: | |
1. Elasticity ng demand ng mamimili | |
para sa tapos na produkto. | |
2. Elasticity ng demand ng bahaykalakal para sa mga salik ng | |
produksiyon | |
At siya din ang nakabuo ng | |
pormula sa price elasticity ng demand | |
PRICE ELASTICITY | |
OF DEMAND | |
Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang | |
pagtugon at kung gaano kalaki ang magiging | |
pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang | |
produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito. | |
•Porsiyento ng pagbabago ng dami ng demand na | |
naiimpluwensiyahan ng porsiyento ng pagbabago | |
ng presyo. | |
Paano ito sinusukat? | |
Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing | |
may pagbabago sa presyo ng mga produkto | |
at serbisyo gamit ang pormula na nasa ibaba. | |
𝜀𝑑 = | |
%∆𝑄𝑑 | |
%∆𝑃 | |
Kung saan: | |
• ɛd = price elasticity of demand | |
• %ΔQd= bahagdan ng pagbabago sa Qd | |
(dependent variable) | |
• %ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo | |
(independent variable) | |
Ano ang ibig sabihin nito? | |
Ang demand elasticity ay | |
palaging negatibo dahil ang Qd | |
ay may salungat (inverse) na | |
relasyon sa presyo. Para mas | |
maayos ang interpretasyon, | |
gagamitin natin ang absolute | |
value ng formula nito. | |
Mga Uri ng Elastisidad | |
ng Demand | |
Maari lamang maging elastic kapag: | |
• %ΔQd > %ΔP | |
• |∊| > 1 | |
Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang | |
naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng | |
pagbabago ng presyo. Sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang | |
mga mamimili ay nagiging sensitibo sa pagbili. | |
Halimbawa, ang price elasticity of demand ay 1.2. Ibig sabihin, sa bawat | |
isang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay may katumbas na 1.2 na | |
bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded. | |
Ibig sabihin nito…. | |
A. Maaaring marami ang substitute sa isang produkto. | |
B. Ang mga produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa badyet sapagkat | |
hindi naman ito masyadong kailangan. | |
Ang halimbawa ng | |
produktong price elastic ay mga | |
produktong maraming malapit | |
na substitute. Isa na rito ay | |
softdrinks. Kapag tumaas ang | |
presyo nito, marami ang | |
maaaring ipalit ng mamimil | |
Maari lamang maging elastic kapag: | |
• |∊| < 1 | |
Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang | |
naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan | |
pagbabago ng presyo. Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng | |
pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili. | |
Halimbawa, ang price elasticity of demand ay 0.5. Ibig sabihin, sa | |
bawat isang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay may katumbas na 0.5 na | |
bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded. | |
Ibig sabihin ay…. | |
a. Halos walang malapit na substitute sa isang produkto. | |
b. Ang Produkto ay pangunahing pangangailangan | |
Ang halimbawa ng mga | |
produktong price inelastic ay ang mga | |
pangunahing pangangailangan at mga | |
produktong halos walang substitute. | |
Kapag tumaas ang presyo ng produkto | |
o serbisyo ay halos walang pagbabago | |
sa quantity demanded. | |
Ang halimbawa ng serbisyong | |
price inelastic ay koryente at tubig. | |
kaya kahit magmahal o tumaas ang | |
presyo ng mga ito, maliit na maliit | |
lamang ang magiging bahagdan ng | |
pagbaba ng quantity demanded sa | |
mga ito. | |
UNITARY OF UNIT ELASTIC | |
Maari lamang maging elastic | |
kapag: | |
•|∊| = 1 | |
Pareho ang bahagdan ng | |
pagbabago ng presyo sa | |
bahagdan ng pagbabago ng | |
quantity demanded. | |
Walang tiyak na halimbawa ang | |
ganitong degree ng elastisidad. | |
perfectly elastic | |
Maari lamang maging elastic | |
kapag: | |
• |∊| = ∞ | |
Nangangahulugan ito na anumang | |
pagbabago sa presyo ay magdudulot ng | |
infinite na pagbabago sa quantity | |
demanded. | |
Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang | |
demanded ay hindi matanto o mabilang. | |
Walang tiyak na halimbawa ang | |
ganitong degreeng elastisidad. | |
PERFECTLY INELASTIC | |
Maari lamang maging elastic kapag: | |
• |∊| = 0 | |
Nangangahulugan ito na ang quantity | |
demanded ay hindi tumutugon sa pagbabago | |
ng presyo. Ang produktong ito ay lubhang | |
napakahalaga na kahit anong presyo ay | |
bibilhin pa rin ang kaparehong dami. | |
Maituturing na pinakamalapit na | |
halimbawa nito ay ang mga produktong may | |
kinalaman sa mga produkto at serbisyo na | |
pansagip-buhay tulad ng insulin sa mga may | |
diabetes, chemotherapy sa mga may kanser at | |
dialysis para sa mga may malalang sakit sa | |
bato. | |
SUPPLY | |
• Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng | |
tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga | |
prodyuser na lumikha ng mga produkto at | |
magkaloob ng serbisyo upang kumita. | |
• Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto | |
o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga | |
prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang | |
takdang panahon. | |
Batas ng Supply | |
• Isinasaad ng Batas ng | |
Supply na mayroong | |
direkta o positibong | |
ugnayan ang presyo sa | |
quantity supplied ng isang | |
produkto. | |
• Kapag tumataas ang | |
presyo, tumataas din ang | |
dami ng produkto o | |
serbisyo na gustong | |
ipagbili. (ceteris paribus) | |
Batas ng Supply | |
• Ayon sa Batas ng Supply, | |
sa tuwing ang mga prodyuser | |
ay magdedesisyon na | |
magprodyus ng produkto o | |
magkaloob ng serbisyo, ang | |
presyo ang kanilang | |
pangunahing pinagbabatayan. | |
• Dahil dito, higit ang | |
kanilang pagnanais na | |
magbenta nang marami | |
kapag mataas ang presyo. P S | |
Tatlong pamamaraan para | |
maipakita ang konsepto ng | |
Supply | |
Supply Schedule | |
• Higit na mauunawaan ang | |
konsepto ng supply sa | |
pamamagitan ng supply | |
schedule. | |
• Ang supply schedule ay | |
isang talaan na | |
nagpapakita ng dami ng | |
kaya at gustong ipagbili ng | |
mga prodyuser sa iba’t | |
ibang presyo. | |
Supply Curve | |
• Maliban sa supply schedule, maipakikita rin | |
ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied | |
sa pamamagitan ng isang dayagram o | |
graph, ito ay tinatawag na supply curve. Ito | |
ay isang grapikong paglalarawan ng | |
ugnayan ng presyo at quantity supplied. | |
Supply Curve | |
• Ipinapakita sa graph sa kanan ang | |
paggalaw sa supply curve. | |
Mangyayari ang paggalaw sa supply | |
curve kung ang salik na nakaaapekto | |
ay ang sariling presyo ng produkto na | |
nagbabago. | |
• Kung ang presyo ng kendi ay tumaas | |
mula Php1 tungong Php2, makikita sa | |
graph na lilipat ang punto B sa punto | |
C. Kung bababa naman ang presyo | |
mula Php5 tungong Php4, ang punto F | |
ay lilipat sa punto E. | |
Supply Function | |
• Ang isa pang paraan ng | |
pagpapakita ng ugnayan ng | |
presyo at quantity supplied | |
ay sa pamamagitan ng | |
supply function. Ang | |
supply function ay ang | |
matematikong pagpapakita | |
ng ugnayan ng presyo at | |
quantity supplied. Maaari | |
itong ipakita sa equation sa | |
ibaba: | |
• Ang Qs o quantity supplied ang | |
tumatayong dependent variable, | |
at ang presyo (P) naman ang | |
independent variable. Ibig | |
sabihin, nakabatay ang Qs sa | |
pagbabago ng presyo. Ang | |
presyo ang nakapagpapabago sa | |
dami ng handa at kayang | |
ipagbili ng mga prodyuser. Isa | |
pang paraan ng pagpapakita ng | |
supply function ay sa equation | |
na: | |
Qs= c+dP | |
• Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o | |
negative. Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa dami | |
ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo. | |
• Upang mapatunayan na ang datos sa supply schedule sa | |
itaas at ang supply function ay iisa, suriin at pag-aralan | |
ang kompyutasyon sa ibaba: | |
• Supply Function mula sa Supply Schedule para sa | |
kendi: Qs = 0 + 10P | |
• Kapag ang P = 1 Qs= ? Kapag ang P = 5 Qs=? | |
Iba pang mga Salik na Nakaaapekto | |
sa Supply | |
• Maliban sa presyo, | |
may iba pang salik na | |
nakaaapekto sa | |
supply. | |
• Ang pagsusuri ng | |
mga salik na ito ay | |
mahalagang malaman | |
upang higit na | |
maging matalino sa | |
paggawa ng desisyon | |
ang mga prodyuser. | |
Iba pang mga Salik na Nakaaapekto | |
sa Supply | |
(1) Pagbabago sa Teknolohiya | |
• Karaniwan na ang modernong | |
teknolohiya ay nakatutulong sa | |
mga prodyuser na makabuo ng | |
mas maraming supply ng | |
produkto. | |
• Dahil dito, maaaring bumaba | |
ang halaga ng produksiyon | |
(production cost) na lalong | |
hihikayat sa mga prodyuser na | |
dagdagan ang kanilang supply. | |
Iba pang mga Salik na Nakaaapekto | |
sa Supply | |
(2) Pagbabago sa halaga ng mga | |
salik sa produksiyon | |
• Ang paggawa ng produkto ay | |
nangangailangan ng iba’t ibang salik | |
gaya ng lupa, paggawa, kapital, at | |
entrepreneurship. | |
• Sa bawat pagtaas ng presyo ng | |
alinmang salik, mangangahulugan | |
ito ng pagtaas sa kabuuang gastos | |
ng produksiyon kaya maaaring | |
bumaba ang dami ng mga produkto | |
o serbisyo na handa at kayang | |
ipagbili ng mga prodyuser. | |
Iba pang mga Salik na Nakaaapekto | |
sa Supply | |
(3) Pagbabago sa bilang | |
ng mga nagtitinda | |
• Ang salik na ito ay | |
maihahalintulad din sa | |
bandwagon effect sa | |
demand. Kung ano ang mga | |
nauusong produkto ay | |
nahihikayat ang mga | |
prodyuser ng mag prodyus | |
at magtinda nito. | |
• Halimbawa, dahil nauuso | |
ang pagtitinda ng | |
milkshake at toasted siopao, | |
mas marami ang | |
nahihikayat na magtinda ng | |
kaparehong produkto. | |
Iba pang mga Salik na Nakaaapekto | |
sa Supply | |
(4) Pagbabago sa Presyo ng | |
kaugnay na produkto | |
• Ang mga pagbabago sa presyo ng | |
isang produkto ay nakaaapekto sa | |
quantity supplied ng mga | |
produktong kaugnay nito. | |
• Halimbawa, ang magsasaka ay | |
nagtatanim ng palay at mais. | |
Sa panahon na mas mataas | |
ang presyo ng mais, magaganyak | |
siyang gamitin ang kabuuang lupa | |
bilang taniman ng mais. Ito ay | |
magdudulot ng pagbaba sa supply ng | |
bigas at pagtaas ng supply ng mais. | |
Iba pang mga Salik na Nakaaapekto | |
sa Supply | |
(5) Ekspektasyon ng Presyo | |
• Kung inaasahan ng mga | |
prodyuser na tataas ang presyo ng | |
kanilang produkto sa madaling | |
panahon, may mga magtatago ng | |
produkto upang maibenta ito sa | |
mas mataas na presyo sa | |
hinaharap. | |
• Ang kondisyong ito ay tinatawag | |
na hoarding na nagbubunga ng | |
pagbaba ng supply sa pamilihan. | |
Halimbawa, may paparating na | |
bagyo na tatama sa Gitnang | |
Luzon na isa sa mga | |
pinagmumulan ng supply ng | |
bigas sa bansa. | |
• Ang graph sa itaas ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng | |
supply. | |
• Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba | |
ng supply sa kanan. | |
• Mangyayari ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan kung ang | |
mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng | |
pagtaas ng supply. | |
• Ang pagbaba ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba | |
ng supply sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng supply sa | |
kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay | |
nakapagdulot ng pagbaba ng supply. | |
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon | |
sa mga Pagbabago ng mga Salik na | |
Nakaaapekto sa Supply | |
• Ang mga pagbabago sa | |
salik ng supply ay may | |
epekto sa magiging | |
kahihinatnan ng | |
negosyo. | |
• Dapat alam ng | |
prodyuser kung papano | |
tutugon sa pagbabago | |
ng mga naturang salik. | |
Matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga | |
pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply | |
• 1. Ang pagtaas ng gastusin sa | |
produksiyon ay nagreresulta sa | |
pagtaas ng presyo ng produkto. | |
• Hahantong naman ito sa pagbaba | |
ng demand. Ang pagtaas ng | |
gastos ng produksiyon ay | |
matutugunan sa pamamagitan ng | |
efficient na pamamaraan. | |
• Ibig sabihin sa kakaunting salik | |
na gagamitin ay makabubuo ng | |
maraming produkto. | |
• 2. Ang pagpasok sa negosyo | |
ay malaking | |
pakikipagsapalaran. | |
• Upang maging matagumpay, | |
kailangang pagtuunan ng | |
masusing pag-aaral ang | |
pamamalakad nito. | |
• Malaki ang maitutulong ng | |
paghingi ng payo sa mga | |
eksperto upang maging | |
matatag ang negosyo. | |
Matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga | |
pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply | |
• 3. Ang pagkakaroon ng | |
sapat na kahandaan sa | |
anumang balakid sa | |
negosyo ay | |
napakahalaga. | |
• Dapat maging handa sa | |
anumang inaasahang | |
balakid tulad ng natural | |
na kalamidad at krisis sa | |
ekonomiya upang hindi | |
maapektuhan ang | |
produksiyon. | |
Matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga | |
pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply | |
• 4. Iwasan ang pagsasamantala | |
lalo na sa panahon ng kagipitan | |
o kakulangan. Ito ay lalo lamang | |
magpapalala ng sitwasyon. | |
• Dapat isipin ng mga negosyante | |
ang kapakanan ng nakararami | |
lalo na ng mga konsyumer na | |
hindi kayang abutin ang mataas | |
na presyo. | |
Matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga | |
pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply | |
PRICE ELASTICITY OF SUPPLY | |
• Ang pagsukat kung gaano ang | |
pagtugon ng prodyuser sa bahagdan | |
ng pagbabago ng presyo ay may | |
kinalaman sa konsepto ng Price | |
Elasticity of Supply. | |
• Ang price elasticity of supply ay ang | |
paraan na ginagamit upang masukat | |
ang magiging pagtugon ng quantity | |
supplied ng mga prodyuser sa tuwing | |
may pagbabago sa presyo nito. | |
• Nalalaman ang tugon ng prodyuser sa tuwing may | |
pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit | |
ang formula na nasa baba. | |
• Ang bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied(QS) o | |
%∆Qs ang tumatayong dependent variable, at ang | |
bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang | |
independent variable. Ang price elasticity of supply (εs ) | |
ay palaging positibo dahil ang Qd ay may direktang | |
(direct) relasyon sa presyo. Hindi na gagamit pa ng | |
absolute value sa price elasticity of supply sapagkat ang | |
sagot dito ay palagi nang positibo. | |
Price Elasticity of Supply | |
• Sa bawat isang bahagdan ng pagtaas ng presyo, may | |
mga sitwasyon na mas malaki sa isang bahagdan ng | |
pagbabago ng quantity supplied. Ibig sabihin, hindi | |
gaanong nakatutugon ang mga prodyuser sa naging | |
pagbabago sa pamilihan ng produktong kanilang | |
ibinebenta. | |
• Sa kabilang banda, may mga pagkakataon naman na | |
mas maliit sa isang bahagdan ng pagbabago ng quantity | |
supplied ng mga prodyuser. Ibig sabihin, sa pagbabago | |
ng presyo ay madaling nakatutugon ang mga prodyuser | |
sa pagbabago ng presyo. | |
• Kaugnay nito, tunghayan ang talahanayan sa | |
susunod na slide upang maunawaan ang iba’t | |
ibang uri ng price elasticity of supply. | |
PRICE ELASTICITY OF SUPPLY | |
1. Elastic | |
%AQs > %AP | |
Es > 1 | |
2. Inelastic | |
%AQs < %AР | |
Es < 1 | |
3. Unitary o Unit | |
Elastic | |
Ang supply ay masasabing | |
price elastic kapag mas | |
malaki ang naging bahagdan | |
ng pagbabagong quantity | |
supplied kaysa sa bahagdan | |
ng pagbabago ng presyo. | |
Ibig sabihin, mas madaling | |
nakatutugon ang mga prodyuser | |
na magbago ng quantity supplied | |
sa maikling panahon. | |
Ang supply ay masasabing price | |
inelastic kapag mas maliit ang | |
naging bahagdan ng pagtugon | |
ng quantity supplied kaysa sa | |
bahagdan ng pagbabago ng | |
presyo. Samakatwid, anumang | |
bahagdan ng pagbabago sa | |
presyo ay magdudulot ng | |
mas maliit na bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied. Mahabang panahon pa ang | |
kakailanganin ng mga supplier | |
upang makatugon sa pagbabago | |
ng demand. | |
Pareho ang bahagdan ng | |
pagbabago ng presyo sa bahagdanHalimbawa nito ay mga | |
manufactured goods | |
tulad ng tela, damit, | |
sapatos, appliances at | |
marami pang iba. Kapag | |
tumaas ang presyo, mas | |
mabilis na nakagagawa | |
ng produkto ang mga prodyuser. | |
Isang halimbawa nito ay | |
ang mga nagmamay-aring | |
mga resort. Hindi kaagad | |
makapagdadagdag | |
ng supply ng kuwarto | |
o kaya ay swimming | |
pool kahit tumaas ang | |
bayad o renta sa mga | |
ito. Mangangailangan | |
ng matagal na panahon | |
ang resort owners bago makatugon sa pagbabago | |
ng bayad o renta. | |
Walang tiyak na halimbawa | |
ana supply na unit elastic |